Ano Na Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2022
Lyrics
Awitin ng lipunang 'di pansin ng karamihan
Inyo kayang pakinggan himig ng kamalayan
Tinig ng kabataang kumakalam ang tiyan
Pansinin upang pangarap makamtan
Buhay na tila ba wala sa ayos
Tulad ng 'sang sintonadong awitin
May magagawa, baguhin natin
Hanggang una lang ba
Hanggang do'n na lang ba
O sadyang ayaw
Ayaw ayusin 'to
Nagsasawa na ko
Nagsasawa dito
Bakit para bang
Wala ring may gusto
Sa sarili ay ukitin
Upang masimulan
Kami ang pagbabago
Ang ating lipunan sa kasalukuyan
Pinamumugaran ng mga taong nakaka-bobo
Bubuhatin ka't iaangat upang mayro'ng makapitan
Pag wala nang kwenta, nagsisipagwalaan
Mistulang hayop kung sumaksak patalikod
Ngunit 'pag kausap mo nama'y umuulan ng po
Utang na loob naman nakakapagod pagmasdan
May karunungan ngunit may kinikilingan
Bingi't walang makitang inamag na konsensya
Sistemang kampi lamang sa kanyang kakilala
Pag ika'y kaanak tama't nararapat
Pag 'di ka kakilala ay umasa sa agimat
May magagawa, baguhin natin
Hanggang una lang ba
Hanggang do'n na lang ba
O sadyang ayaw
Ayaw ayusin 'to
Nagsasawa na ko
Nagsasawa dito
Bakit para bang
Wala ring may gusto
Sa sarili ay ukitin
Upang masimulan
Kami ang pagbabago
Buhay na tila ba wala sa ayos
Tulad ng 'sang sintonadong awitin
Hanggang una lang ba
Hanggang do'n na lang ba
O sadyang ayaw
Ayaw ayusin 'to
Nagsasawa na ko
Nagsasawa dito
Bakit para bang
Wala ring may gusto
Sa sarili ay ukitin
Upang masimulan
Kami ang
Pagbabago