
Bigo Lyrics
- Genre:Folk
- Year of Release:2024
Lyrics
Ako ngayo'y lumulubog Umuulan ng rosas
Unti-unting dumidilim
Hindi mahagilap
Ang sinag ng araw
Sabay ng mga luhang pumapatak na para bang umuulan
Oh aking mahal
Pakiusap huwag kang yuyuko
Pagkat ako'y naririto
Sa'n ka man magtungo
Ako'y labis natuwa ng aking makamit
Pangarap na laging sinasambit
Dugo at pawis ang naging simula
At sa wakas ito na ba ang aking gantimpala
Ngayon ako nama'y hangad na makabawi
Sa aking ama't ina'y magpangiti
Mga minamahal sa'king buhay
Hirap man o ginhawa ako'y lagi nyong karamay
Ngunit bakit paglipas ng gabi't mga araw
Tila 'di sapat ang pagsisikap
Pilit na pumiglas at makausad
Sa halip na lakas
Paghila pababa sa'kin ay pinaranas
Ako ngayo'y lumulubog Umuulan ng rosas
Unti-unting dumidilim
Hindi mahagilap
Ang sinag ng araw
Sabay ng mga luhang pumapatak na para bang umuulan
Oh aking mahal
Pakiusap huwag kang yuyuko
Pagkat ako'y naririto
Sa'n ka man magtungo
Unti-unting lumalaban kahit na masakit
Sa bawat solusyon may dagdag pasakit
Mga taong pinatuloy ko
Natanggap sa ilan saksak sa'king likuran
Mga kaibigan na s'yang naging takbuhan
Sa problemang pinagdaraanan
Pag kaharap mo ika'y dadamayan
Sa paglisan nama'y sisiraan
Di na alam tiwala'y nakanino
Lahat nga ba ay traydor at manloloko
Kung kani-kanino humingi ng saklolo
Pero ni isa, wala namang pumapansin sa'yo
Sa pagkakadapa ay 'di na makabangon
Nalulunod ang isip, 'di na makaahon
Dagliang napatingin sa taling nakasabit
At sa wakas naglaho nang nadaramang pait
Ako ngayo'y lumulubog Umuulan ng rosas
Unti-unting dumidilim
Hindi mahagilap
Ang sinag ng araw
Sabay ng mga luhang
Pumapatak na
Para bang umuulan
Oh aking mahal sana'y mapatawad niyo ako
Pagkat sa laban ng buhay ako'y nabigo