Padagos Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2021
Lyrics
Pikit mata
Hawak kamay, suungin na
Mga hiyaw lang ang tanging naririnig
Isang hinga
Sabay talon, nasa'n ka na
Nababalot na ng dilim ang paningin
Sa pagpatak ng mga luha ay
Bakas mo ang pangangambang
Wala nang pag-asa
Panalangin na sana'y
Bigyan ng gabay
Sa dagok nawa ay
Lalong magtibay pa
Ang alab ng pusong
Di mamamatay
Sa bawat unos umaga'y naghihintay
Padagos
Padagos
Maririnig ng mga tengang 'di bingi
Sa paghihirap ng iba
Walang tayo at sila
Isang ganap na di mahahaluan ng pagpapanggap
Ako't ikaw
Lahat magkaisa
Sa pagpatak ng mga luha ay
Bakas mo ang pangangamba
Ngunit may pag-asa
Panalangin na sana'y
Bigyan ng gabay
Sa dagok nawa ay
Lalong magtibay pa
Ang alab ng pusong
Di mamamatay
Sa bawat unos umaga'y naghihintay
Padagos
Padagos
Panalangin na sana'y
Bigyan ng gabay
Sa dagok nawa'y
Lalong magtibay
Alab ng pusong
Di mamamatay
Sa bawat unos
Panalangin na sana'y
Bigyan ng gabay
Sa dagok nawa ay
Lalong magtibay pa
Ang alab ng pusong
Di mamamatay
Sa bawat unos umaga'y naghihintay
Padagos
Padagos
Padagos
Padagos