Stella Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Ang sarap sa feeling 'pag kasama ka
Tila 'yung mundo ay laging nag-iiba
Sa piling mo ako ay kuntento na
Wala na hihigit kahit mang-inggit ka pa
Tanaw-tanaw kita sa aking pwesto
Ang ginaw-ginaw, kanina pa ko rito
Itatago ang lahat, 'di papabisto
Walang paligoy, gusto ko ng halik mo
Nasa'n ka man, ako ay tanawin
Gaano man kalayo ika'y laging aabutin
Tuwing gabi sa'yo nakatingin
Tuwing gabi sakin ka tumingin
Mababasa mo kaya ang aking pagtingin
Kung ang nasa isip ko ay ang mga bituin
Mapagbibigyan kaya ang aking hiling
Kung sa pag-ibig mo ako'y nakakulong pa rin
Pangalan mo laging sasambitin
Aangkinin ang ikaw, lagi kang sasaluhin
Liliparin ang malawak na hardin
Sa binhing nakakasilaw, bulaklak na may ningning
Isasayaw kita hanggang kawalan
Ihihiga sa gitna ng kalawakan
Tumambay tayo sa ilalim ng buwan
Sa paglubog nito ay pagmamasdan
Pangako na ako ay sa'yo lang
Kongkreto na, wala namang palaisipan
Pag-ibig na hindi sapilitan
'Pag mahal natin lagi mayro'ng paraan
Sa liwanag mong dala-dala
Gumagaling ang pusong laging nadadapa
'Pag ikaw ay nandirito na
Kampante na, sumusulyap kung gaano kaganda
Kung tadhana satin ang magdidikta
Bibigay ko lahat ng aking tinta
Para isulat sa librong itinakda
Magkasama tayo sa pag-ibig na nilikha
Nasa'n ka man, ako ay tanawin
Gaano man kalayo ika'y laging aabutin
Tuwing gabi sa'yo nakatingin
Tuwing gabi sakin ka tumingin
Mababasa mo kaya ang aking pagtingin
Kung ang nasa isip ko ay ang mga bituin
Mapagbibigyan kaya ang aking hiling
Kung sa pag-ibig mo ako'y nakakulong pa rin
Pangalan mo laging sasambitin
Aangkinin ang ikaw, lagi kang sasaluhin
Liliparin ang malawak na hardin
Sa binhing nakakasilaw, bulaklak na may ningning
Mababasa mo kaya ang aking pagtingin
Kung ang nasa isip ko ay ang mga bituin
Mapagbibigyan kaya ang aking hiling
Kung sa pag-ibig mo ako'y nakakulong pa rin
Pangalan mo laging sasambitin
Aangkinin ang ikaw, lagi kang sasaluhin
Liliparin ang malawak na hardin
Sa binhing nakakasilaw, bulaklak na may ningning