Ikaw Na Lang Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
(Alam mo may sasabihin ako sa'yo
Dami na nating pinagsamahan 'no?
Mga birong pinagtawanan
Kaya gusto ko lang sana sabihin na)
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ng bigat ng mundong pinapasan
Binibigyan mo ng kulay sa bawat paraan
Nako, bakit pa kita papakawalan?
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ikaw na lang, ikaw na lang
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ikaw na lang, ikaw na lang
Ako'y humihiling, sana'y pagbigyan mo rin
Pwede ka bang alukin na ako ay mahalin
Kahit na magtampo at hindi namamansin
Gusto ko sa huli ako pa rin ang pipiliin
Patingin naman ako ng marikit na mata mo
'Di naman malilito, damdamin ko para sa'yo
Puso at isipan lagi man magkalayo
Isipin at mahalin ka'y du'n sila nagkasundo
Swerteng nasilayan, anghel ng kagandahan
Kung 'di mapapasakin ay magmumukmok na lamang
Sa dulo ng altar, sana ika'y matagpuan
Haba ng pinagsamahan, sana ay madugtugan
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ng bigat ng mundong pinapasan
Binibigyan mo ng kulay sa bawat paraan
Nako, bakit pa kita papakawalan?
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ikaw na lang, ikaw na lang
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ikaw na lang, ikaw na lang
Ayos lang ba umamin, desisyon mo'y gagalangin
Pasensya na't sumasabay sa bugso ng damdamin
Ako'y nananalangin na ikaw ay mapasakin
Sa pagtanda puting buhok ang ating bibilangin
Kaya halika rito, 'wag ka nang matakot
Pangakong dito sakin ay hindi ka mapapagod
Gagawa ng pagibig na 'di pa nakita ng lahat
Sila'y magugulat sa ating pagibig na mulat
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ng bigat ng mundong pinapasan
Binibigyan mo ng kulay sa bawat paraan
Nako, bakit pa kita papakawalan?
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ikaw na lang, ikaw na lang
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ikaw na lang, ikaw na lang
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ng bigat ng mundong pinapasan
Binibigyan mo ng kulay sa bawat paraan
Nako, bakit pa kita papakawalan?
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ikaw na lang, ikaw na lang
Ikaw na lang ang nagpapagaan
Ikaw na lang, ikaw na lang