Missin' U Everyday Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Nasan ka na, ikaw lang, 'la namang iba
'Wag ka magtataka, kung ba't naman sa'yo ay kuntento na uh
Ikaw laging hinihiling sa kwentong pang nobela
Sasakay ka sa bawat pahina, stella
Dapat ay maging anino mo sa dilim
Sa liwanag mo ay ikaw ay aangkinin
Sa kulimlim ng mundo ika'y tatawirin
Gandang kalawakan ay sabay lalakbayin
Pasensya kung hindi ko mapunan
Ang pagmamahal na minsan na rin akong sinaktan
Daming kaagaw sa atensyon
'Di manlang makaabang, makaabang
Araw-araw namimiss kita
Lalo na pag 'di ka nakikita
Lingunin mo naman ako
Kahit na malayo diyan sa tabi mo
Araw-araw namimiss kita
Lalo na pag 'di ka nakikita
Lingunin mo naman ako
Kahit na malayo diyan sa tabi mo
Ituring mang alikabok nitong kalawakan
Ginugusto ka pa rin, ikaw aking kailangan
'Di matiis, sulit ka sa liit ng larawan
ng larawan
Ilalakbay patungo lang sa walang hangganan
Maglalayag patungo sa ating kinabukasan
Magsisimba lagi, 'di nagbanal-banalan
Paplanuhin 'yan kahit pa kasal-kasalan
Tiis ka lang, at magkikita rin naman tayo
Dadalhin ang pagkain na paborito
Alak, sigarilyo, ay wala sa aking wisyo
Alam mo, ikaw lang ang aking tanging bisyo
Alisto ako sa mga atake mo
Kinikilig sa simpleng pag ngiti ng mga labi mo
Binigyang sigurado, isip mong lito
Pangako na sayong-sayo ako buong-buo
Pasensya kung hindi ko mapunan
Ang pagmamahal na minsan na rin akong sinaktan
Daming kaagaw sa atensyon
'Di manlang makaabang, makaabang
Araw-araw namimiss kita
Lalo na pag 'di ka nakikita
Lingunin mo naman ako
Kahit na malayo diyan sa tabi mo
Araw-araw namimiss kita
Lalo na pag 'di ka nakikita
Lingunin mo naman ako
Kahit na malayo diyan sa tabi mo