
Ika'y Maging Akin Lyrics
- Genre:Jazz
- Year of Release:2024
Lyrics
Kumikinang ang araw sa iyong mga mata
Nakakasilaw ang liwanag mong ganda
Bagama't dimo napapansin ako'y nahuhumaling
Bugso ng damdamin unti unting lumalalim
Hindi mo makikita kung hindi mo susubukin
Handa kong gawin ano man ang iyong marapatin
Ang iyong Kalungkutan ay aking papawiin
Ang tangi kong hangarin ay ika'y maging akin
Humihiling ako sa langit na sana'y iyong mapansin
Ano ba ang gagawin upang ika'y maangkin
Sana'y pag bigyan mo ang nagsusumamo kong pag ibig
Dahil ito lamang ang tangi kong panalangin
Hindi mo makikita kung hindi mo susubukin
Handa kong gawin ano man ang iyong marapatin
Ang iyong Kalungkutan ay aking papawiin
Ang tangi kong hangarin ay ika'y maging akin
Aalagaan kita pag ika'y may karamdaman
Tapat na pag mamahal ang iyong kailangan
Gagabayan kita anumang landas ang tatahakin
Mamahalin kita kahit ayaw mo na sa akin