
Makasama ka lang Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Tayo ay naglalakad, masaya't magka akbay
Magkahawak ang kamay, habang tayo'y nag lalakbay
Malaya sa isip at walang balakid sa daan
Saan man tayo mapadpad, masayang haharapin ang lahat
Walang iwanan anuman ang mangyari
Handang su-ungit kahit masukal ang daan
Maski gaano kapanganib kayang tahakin Masaya na ako, makasama ka lang
Parang gulong ang pag ikot ng buhay
Hindi mo namamalayan ika'y nasa laylayan
Iyong kasiyahan unti unting tumatamlay
Bagama't ganito ang buhay kailangang manindigan
Walang iwanan anuman ang mangyari
Handang su-ungit kahit masukal ang daan
Maski gaano kapanganib kayang tahakin
masaya na ako, makasama ka lang
Hanggat nariyan ka, timbay ng loob hindi mawawala
Ikaw ang pinag huhugutan ng natatangi kong lakas
Wag ka sanang mawalay dahil puso ko'y masasaktan
Sana'y tandaan
Saan ka man ngayon,
hiling ko ang iyong kaligayahan
Sana'y masaya ka na
Ngayong tayo'y malaya na