![magandang umaga](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/04/21/d567cf2ec4144f67bf7a2665520ec639_464_464.jpg)
magandang umaga Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Gumising na,
Tumatakbo ang oras
Kapag tumitigil ka
Sige
Gising
Gising na,
(Sige bangon, sige gising na)
Bilang nalang ang bukas,
Para magpikit-mata
Dominsuu!
Magandang Umaga
Magandang Umaga
Ey ey
Magandang Umaga
Para sa mga bagong gising
At mga wala pang tulog,
Magandang Umaga
Magandang Umaga
Magandang Umaga
Magandang Umaga
Magandang Umaga
Babangon nanaman
Anong bago? Malamang.
Mga kababayang
Sikmura na kumakalam.
Hindi ko rin alam,
Kung bakit bibig pikit,
Mga mata'y takam,
Kailangang magtipid,
Buksan man ang iyong isip,
Sarado ang silid.
Lakasan mo man ang ihip,
Ang hangin ay bitin.
Sumasagad sa init,
Sa traffic makasingit,
Sanay ka nang mabwisit,
Maipit sa kada bingit
Ng bayarin na dapat saluhin,
Doble kayod man ay kinakapos pa rin.
Marami ka lang gastusin,
Walang gagastusin.
Mahaba-habang listahan pa
Ng dapat na bilhin.
Andyan nanaman si Judith,
Ika'y sisingilin.
Wala itong palugit,
Kahit na anong tanim,
Di na kailangan ng tubig,
Tutubuan ka pa rin
Pero ayos lang,
Kasi hanggang ngayon
Buhay ka, pis (peace)
Gumising na,
(Sige bangon, sige gising na)
Tumatakbo ang oras
Kapag tumitigil ka
Sige
Gising
Gising na,
(Sige bangon, sige gising na)
Bilang nalang ang bukas,
Para magpikit-mata
Sa katotohanang
Hirap natin na matanggap
Buhay sa Pilipinas,
Maraming mapagpanggap
Bakit 'di maidilat?
Sa mga kumukurap
Lason kung ituturing
Basta may nakukubra,
Sagot sa kahirapan,
Tanong kung mabubura?
Kalampagin mo man
Hindi na rin 'to uubra
Magpapantay lang
'Pag ang lupa
Ay nabungkal na
Kung kaya mo ngayon,
Bakit 'pag papabukas pa?
Napupuno ng galit
(Teka, sandali)
Umiiyak ang langit,
(Parang may mali?)
Ilang milyong dalanging
(Makasarili)
Bakit ganto palagi?
(Nakakabingi)
Marahil lahat tayo ay nag-aasam
Sa buhay na panay karangyaan at makinang,
Samantalang may ibang nagpapakamakina
Pumapasok ng maaga,
Hanggang umagahin na
Gumising na,
(Sige bangon, sige gising na)
Tumatakbo ang oras
Kapag tumitigil ka
Sige
Gising
Gising na,
(Sige bangon, sige gising na)
Bilang nalang ang bukas,
Para magpikit-mata
Gumising na,
(Sige bangon, sige gising na)
Tumatakbo ang oras
Kapag tumitigil ka
Sige
Gising
Gising na,
(Sige bangon, sige gising na)
Bilang nalang ang bukas,
Para magpikit-mata...