![Marka](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/11/18/47c4826a59b94de1992c70a7d88fd28f_464_464.jpg)
Marka Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Araw-araw gera
Pag-ibig lang ang armas
Mga gustong marating
Madalas lumalagpas
Paabante man gawin
Hakbang mo'y umaatras
Oras 'di nabibili
Sa mundong nagwawaldas
Ituring mo 'tong sandal
Kung masukal ang landas
Pano ka maririnig?
Matagal ka nang gasgas
Guhit sa 'yong kapalaran,
Bakit panay na laslas.
Ang lalim ng sugat mo'y
Di na kayang malanggas.
Subukang paliyabin
Ilang libo mang kaskas
Walang kislap ang apoy
Lumangoy man sa gaas.
Diba alipin ka ng sining
Una mo 'tong minahal
Gabi-gabing kasiping
Kulang nalang ikasal
Pinuno mo ng pag-ibig
Pinuno ka ng pag-ibig
Binaligtad ka nila,
Mga mata nila tumirik.
Nauuga ka na,
Rumurumupok iyong dingding.
Inuumaga ka nang matulog ng mahimbing
Hindi na bale,
Mga sinasabi nila
Tuwing babyahe
Sa rutang pag-ibig
Tanging mong pamasahe.
Yeah yeah
Di na bale,
Mga sinasabi nila
Tuwing babyahe
Sa rutang pag-ibig
Tanging mong pamasahe.
Yeah yeah
Paulit-ulit sa
Sinong nauna,
Maraming nagbuklat
Wala man lang na nagsara.
Sa kwento mong
Gustong gayahin kwento ng iba.
Pareho lang
Kung lahat tayo magkakaiba.
Kahit
Walang
Bumalik sa iyong mga dinasal.
Umalis lahat ng iyong minahal.
Bangon agad, wala nang almusal.
Tanghalin kahit walang parangal.
Tanggalin mga nakakasakal.
Mapagod ka man lahat 'yan natural.
Bubunga pero gano katagal?
Naalala mo pa ba?
Kung paano nagsimula?
Bigyan bata ng krayola
Pati sahig may marka
Ito ang hilig mong gawin
Ba't nahihirapan ka?
Ba't kung saan ka masaya?
Mas nasasaktan ka pa?
Pinuno mo ng pag-ibig
Pinuno ka ng pag-ibig
Binaligtad ka nila,
Mga mata nila tumirik.
Nauuga ka na,
Rumurumupok iyong dingding.
Inuumaga ka
Nang matulog ng mahimbing.
Mauubos ang tinta
Ngunit 'di ang mga letrang
Bubuhay sa kwentong
Kala'y walang kwenta.
Mauubos ang tinta
Ngunit 'di ang mga letrang
Bubuhay sa kwentong
Kala'y walang kwenta.
Mauubos ang tinta
Ngunit 'di ang mga letrang
Bubuhay sa kwentong
Kala'y walang kwenta.