![HADOUKEN](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/11/28/407aae5209ef441b9e15345b554ff43c_464_464.jpg)
HADOUKEN Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2023
Lyrics
Balang araw
Daraan din ang bulalakaw
Na sasagot ng hiling
Dito sa mundong ibabaw
Ang magkaroon ng kapangyarihang
Umapaaw
Laban sa mga kontrabidang
Balak sa'yong umagaw
O sumapaw
Sa tulad kong simpleng tao
Walang yaman o luho
Na sayo'y mapapangako
Sa isang bagay lang kitang
Kayang masigurado
Na hindi 'to aatras
Sa may armas
O kahit pa sa maskulado.
Bakit pa magiging kabado?
Ako lang yata ang superherong
Sana'y matalo.
Pero kung para sa'yo
Ilang ulit 'to babangon
Hanggang dulo papalag
Wala ka dapat ikatakot
Lika rito
Ikaw lang ang aking paborito
'Pag kasama ka mundo ay paraiso
Kung kailangan darating ng
Ora-mismo
Superherong
'Di marunong lumipad
O sumakay sa Kintoun Cloud
'Di kayang magteleport,
Tatawag lang sa telegram
Walang Kamehame
Hadouken kahit Rasengan,
Kapangyarihan ko lang ay
Ang palagi kang pakinggan,
Para naman
Sa oras na iniisip mo na
Mag-isa ka
Sa laban na tinatago ng ngiti
Sayong mukha
Basang-basa na kita
Balasahin man ni Hizuka,
Walang sayang na segundo
Kapag nandirito ka
Yeah
Papel bato o gunting
May papel ba 'to sa munting
Puso mo na halos
Ubos matapos,
Walang sa'yong isukli.
Yeah
Hindi mo 'to napansin
Lumalakas sa tuwing
Kasama ka
Huma-haba
Ang pasensya
Parang si Luffy.
Pero 'di to takot sa tubig,
Gustong malunod sa pag-ibig mo
Superhero kung ituring
Na isa lang ang buhay
At sa'yo lang masusulit
Lika rito
Ikaw lang ang aking paborito
'Pag kasama ka mundo ay paraiso
Kung kailangan darating ng
Ora-mismo
Superherong
Lika rito
Ikaw lang ang aking paborito
'Pag kasama ka mundo ay paraiso
Kung kailangan darating ng
Ora-mismo
Superherong