Palapit Na Ang Pasko ft. Sarah S. & Godwayne Lyrics
- Genre:Holiday
- Year of Release:2023
Lyrics
Kumukutikutitap, bituin sa mga puno
Ang lahat ay naghahanda, palapit na nga ang Pasko
Kislap ng mga parol, may iba't ibang disenyo
Nagbibigay ng ligaya sa panahon ng delubyo
Gumising na, bumabatingting na ang kampana
Kailangan makumpleto ang nobena
Hindi mapigilan, malapit na ang Pasko
Palapit na nga ang Pasko
Kumukutikutitap, mga mata mo'y nangungusap
Umaasa na may matatanggap na mga aginaldo
Kahit pa ito ay sensilyo
Basta't ang mahalaga, punuin mo ang sako
Gumising na, bumabatingting na ang kampana
Kailangan makumpleto ang nobena
Hindi mapigilan, malapit na ang Pasko
Palapit na nga ang Pasko
Ngayong Pasko hangad ko'y magkakasama
Mabuo na muli ang mga pamilya
Mga sugat sa puso ay maghilom na
At balutin ng ligaya at saya
Tara na tayo ay magkita-kita
Ako'y nasasabik sa mga tawa
Salubungin natin ang Pasko ng ligaya
Magsayawan at kantahan hanggang umaga
Maligayang Pasko sa inyo