Islamari V2 ft. Godwayne Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Meron akong kwentong sasabihin sa inyo
Ito ay tungkol sa islang nakagisnan ko
Sa bandang silangan sakop nya ang Sambawan
Islamari ang pangalan, tatawid ka ng karagatan.
Noong bata ako ang tanging kasiyahan
Ay maglaro maghapon sa lawak ng karagatan.
Ngunit ang karamihan ay kailangang lumisan
Upang tuparin ang guhit ng kapalaran.
Kailan ka uuwi?
Naghihintay si Islamari
Mga alaala, nung tayo ay bata
Kaysarap sariwain, di ba ang saya!
Tara na't umuwi
Naghihintay si Islamari
Mga kaibigan, mga kainuman
Siguradong sa iyo ay nag-aabang.
Maraming taon na ang mga nagdaan
Marami na ring nagyaring di mo nabalitaan
Kilala mo pa ba ang iyong pinapadalhan?
Marami ang nawasak salapi ang dahilan.
Huwag nang mag-atubili magpasya ng bumiyahe
Habang malayo pa mag-ipon na ng pamasahe
Gawing ugali ang kada taon ay umuwi
Bagong taon o pyesta pla nuhin lang ng maigi.
Kailan ka uuwi?
Naghihintay si Islamari
Mga alaala, nung tayo ay bata
Kaysarap sariwain, di ba ang saya!
Tara na't umuwi
Naghihintay si Islamari
Mga kaibigan, mga kainuman
Siguradong sa iyo ay nag-aabang.
Tuloy-tuloy, tuloy lang ang lakad
Maaabot mo rin ang iyong pangarap
Tuloy, tuloy-tuloy, tuloy lang mangarap
Balang araw ang lahat ng ito
Ay matutupad.
Kailan ka uuwi?
Naghihintay si Islamari
Mga alaala, nung tayo ay bata
Kaysarap sariwain, di ba ang saya!
Tara na't umuwi
Naghihintay si Islamari
Mga kaibigan, mga kainuman
Siguradong sa iyo ay nag-aabang.