sana ako pa rin Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Naggpakulong sa'yong mga pangako
Ngayo'y lunod na lunod ako
Maaari mo bang sagipin
Kahit ikaw ang dahilan ng pagkalunod?
Sana ako pa rin ang bituing hinahanap
Kapag ika'y nakatingin sa alapaap
Boses mong parang musika
Aking naging pahinga
Ba't ngayo'y unti-unting nawawala?
Nasanay nga sa'yong anino
Palaging hanap ang kamay mo
Nais hawakan, hindi pakakawalan
Ngunit ikaw ang lumisan
Nagpaalam ka naman
Ngunit bakit hindi ko matanggap?
Sana ako pa rin ang bituing hinahanap
Kapag ika'y nakatingin sa alapaap
Boses mong parang musika
Aking naging pahinga
Ba't ngayo'y unti-unting nawawala?
Sana ako pa rin
Nais mong tawagin
Tuwing ika'y nalilito sa'yong damdamin
Susubukang sagipin
Langhapin natin ang hangin
Patuloy man akong lunurin
Ng katotohanang hindi ka para sa'kin