Sugat Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Gusto kong balikan mga sugat
Sugat, na naghihilom pa
Isang iyak lang pagkabukas, ika'y ayos na
Pero ngayon iba na
Wala ng saya na nadarama
Puro nalang kalungkutan
'Di na alam ang kasiyahan
Pwede bang bumalik nalang?
Pwede bang bumalik tayo sa nakaraan?
Kung sa'n puro liwanag ang natatanaw
Gusto na ulit sumaya
Gustong makalaya , gustong lumigaya
Dati rati, puro lang laro
Ika'y nananalo sa ano mang laban mo
Pero ngayon, ikaw ang talo
Talo sa lahat, talo sapagkat
Wala ng tayo.
Pwede bang bumalik tayo sa nakaraan?
Kung sa'n puro liwanag ang natatanaw
Gusto na ulit sumaya
Gustong makalaya , gustong lumigaya
Ayaw na sa dilim
Mahigpit ang hangin
Ayaw na sa gan'to
Sawang-sawa na 'ko
Lahat ng daan
Ay pahalagaan
Kahit nasasaktan, kahit naiiwan
Ika'y lumaban
Matatapos din ang sugat na 'to