
TAWID Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Hirap mabuhay, kailangan ko pang palagan
Mapagaan mga pinapasan
Dami nang oras aking linaan
Tiyak ang lahat ay may kakalagyan
Kung di pa to para sa akin
Ay mas lalo ko lang na babaliwin
Hahamakin pati narin langit
Para ang pangarap ay maitawid
Gising tanghali
Matapos mapuyat
Matapos kumayod parang kalabaw
Parang langgam na sa haba ng pila
Lubog na ang araw, wala pang galaw
Kalam ng sikmura, siksikan, pawis na pawis
Sa araw ito ang magkakapatid
Hiling ang lahat ay makakawala
Ito ang bulong ko sa himpapawid
Ayokong masanay na lamang ang buhay maging ganito
Kung para sayo ay wala kanang dapat baguhin, pare ibahin mo ako
Hirap na bilangin sa mga daliri, sa daming inalay bago mabuo
Hindi alintanang walang pahinga
Kung naging kapalit salat ng malutong
Ligo sa moola ang aking magulang
Di isipin mairaos ang bukas
Ilan lang ito sa gusto ko makuha
Bawal wala, bago magkanda kuba
Ang talampakan lubog na sa burak
At aking pilit na inaalis
Wag na wag nakong balakin hanapin
Wala nakong balak pa na bumalik
Hirap mabuhay, kailangan ko pang palagan
Mapagaan mga pinapasan
Dami nang oras aking linaan
Tiyak ang lahat ay may kakalagyan
Kung di pa to para sa akin
Ay mas lalo ko lang na babaliwin
Hahamakin pati narin langit
Para ang pangarap ay maitawid
Wala nang talab sakin ang dami pa diyang sinasabe
Mas prinoblema ko ang makakain
La yang balik para pa aksayahin, oras at panahon
Sa mga tumatandang paurong
Manatili ka diyan na nakabaon
Habang sagot ko lang ay tandang pananong
Baon na sa limot mga ganyang bagay agaran ko nang pinatawad
Hindi madali na mabuhay ngayon
Wag naman lalo pang pahirapan
Magsisilbi mokong kasama, kung tatalunin tunay na kalaban
Pareho lang tayo, sukang suka nako gusto korin makawala na
Bulsa umaray at di mapalagay
Pero pigil pumatak mga luha
Buo't lahat aking ibibigay
Habang may oras pa dito sa lupa
Normal sa buhay magkamali
At byahe sa ruta ay matagal
Mahalaga ay may gagawin
At di umasa lang sa dasal
Hirap mabuhay, kailangan ko pang palagan
Mapagaan mga pinapasan
Dami nang oras aking linaan
Tiyak ang lahat ay may kakalagyan
Kung di pa to para sa akin
Ay mas lalo ko lang na babaliwin
Hahamakin pati narin langit
Para ang pangarap ay maitawid