NAKAHANGINAN ft. Terdi Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Palagan na natin ang mga humaharang
Talikuran narin ang mga sumagasa
Mga bumabasag, sabi mo papano?
Kung meron ka nabang dala na plano
Napahanga, nahanginan
Ang mga tulog tuluyang naiwan
Nanaig sakin ang panindigan
Napahanga nahanginan
Tatak na saking isip na ang mundo malamig
Mula pa nong panahon na ang bata meron gatas sa bibig
Tahimik pero nakakabingi ang mga gabe, pero sigi lang sa mumog ng kape
Pampagising, pampainit
nakatagong plano, mapasilip
Blangkong papel na nagsimulang malinis
Pag tumagal, ay nagiging sining
Pag kinulayan nang maigi, pati pag pinulido ang kinis
Mga nahanginan na mahangin tuloy lamang umiihip, paypay, di alam lalo lamang umiinit
Baga namin sa inyong pangiinis
Tumitibay pag lalong ginigipit
Di na tulad ng nakaraan
Walang talab kahit salingin sa anong paraan
Mukhang apihin sa unang tingin
Ubusin pasensya, wag mong hilingin
Malabo man ang aking paningin
Malinaw manalo, hawak madiin
Malugod lang na aking tatanggapin kung ano man ang itapat saakin ng roleta
Nakatingala akong haharapin
Habang may apoy sa likod ng mga mata
Sabik na kung sabik
Makuha inaasam na matamis
Pero kung di para samin edi subok hanggang saming makamit
Ilang beses man na madapa,kakalat padin aming tono
Malawak hindi naka mono
Tagos hanggang dulo ng globo
Palagan na natin ang mga humaharang
Talikuran narin ang mga sumagasa
Mga bumabasag, sabi mo papano?
Kung meron ka nabang dala na plano
Napahanga, nahanginan
Ang mga tulog tuluyang naiwan
Nanaig sakin ang panindigan
Napahanga nahanginan
Kailangan na yata na maging alerto
Kung makadinig ng di magandang komento
Malapit-lapit nadin na mahukay
Masyado na kaseng tumatagal paghahanap ng patunay
Para sating mga walang gulang,
Mga patas lang na lumalaban
Iabot mo na sakin ang pagkakataon
Ako na ang bahala sa mga napangakuan
Gagawing sapat ang mga nalalaman
Di narin para hanapin mga humahamak
Wag kang mag-alala, pinagsamasama ko lahat ng masarap na aking nalasahan
Kaya kung ako sayo
Marami kapang oras para pagisipan ang mga gumugulo sa utak
Pwedeng palayain negatibong tumutulak
Pero pero una sa daming loko
Galingan pumili kasi nga baka maubos ka
Ahas pagala-gala
Dami diyan
Wag kang masanay ha
Iwas ka
Pa one-two one-two lang
Di ko naman kailangan ng mga mamahalin na hikaw
Mga kulang-kulang
Nababaliw kasi tunog ay parang hinahataw
Walang tao na mahihiya ka tabihan
Kung simula't-sapul ako ang inaabangan
Di niyo ba nahalata?
Pinalalaki ko na ang hawak-hawak namin na onting karapatan
Teka nga, ano bato?
Sino bang nagsabing pwedeng may humatol?
Tuloy-tuloy na to
Diretso o liko
Patagusin na to
Kahit saang kanto
Palagan na natin ang mga humaharang
Talikuran narin ang mga sumagasa
Mga bumabasag, sabi mo papano?
Kung meron ka nabang dala na plano
Napahanga, nahanginan
Ang mga tulog tuluyang naiwan
Nanaig sakin ang panindigan
Napahanga nahanginan