Sana Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Ang mga bituin
Lilisan sa umaga
Natutulog sa araw
'Di tulad sa'king pagsinta
Akala ko nga rin
Tuluyan ka nang nalimot
Ba't luluha at malulungkot
Sabay bulong sa hangin
Kung bakit 'di niya dininig ang hiling
Sana ako ang laging hawak, kasabay sa mga tawa
Sana nga palagi kang kausap
At paminsan mong mayakap
'Di mo ako masisisi kung mahal kita palagi
Sana ang puso'y mautusan
Na ikaw ay kalimutan
Kahit isang araw lang sana
Maranasan mong maharana
Ng isang kantang ikaw ang paksa
Hanggang ang sana ay mapunta sa katotohanan
Kumusta ka mahal? Siya ba ang 'yong ligaya
Inaalagaan ka ba niya? Sapat ba ang mga yakap niya
Basta't kung sa'n ka masaya
Puso mo ang magdidikta
Ayos lang ako, wala nang kibo
Kahit ihatid kita palayo (Napipilitan lang naman)
Matatanggap ko naman din ito, kahit pa abutin ng taon
Mag-ingat ka na lang, ipagdarasal na lang
Magpapaalam na lang, alam na lang
Sa natitirang damdamin
Sana ako ang laging hawak, kasabay sa mga tawa
Sana nga palagi kang kausap
At paminsan mong mayakap
'Di mo ako masisisi kung mahal kita palagi
Sana ang puso'y mautusan
Na ikaw ay kalimutan
Kahit isang araw lang sana
Maranasan mong maharana
Ng isang kantang ikaw ang paksa
Hanggang ang sana ay mapunta sa katotohanan
Tarararatata
Oooooh
Ang ningning ng 'yong mata'y kakaiba
Sa tuwing mababanggit pangalan niya
Anong magagawa? Kahit mahal kita
Hindi mag-aabala
Na pilitin ka
Sasamahan pa kitang magsaya
Sa tuwing napapangiti ka niya
Eh, ano pa ba? Dahil mahal kita...
Walang magagawa
Sana ako ang laging hawak
Kasabay sa mga tawa
Sana nga palagi kang kausap
Kahit huwag na lang ang yakap
'Di mo ako masisisi, kahit 'di mo 'ko pinili
Titingala na lang sa ulap, kay Bathala makikiusap
Kahit isang araw lang sana
Maparanas kong mahalin ka
Ibigay ang kantang ikaw ang paksa
Hanggang ang sana ay mapunta sa katotohanan
Ngunit ang sana ay malayo sa katotohanan