'Di Ka Ba Napagod? Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2021
Lyrics
Para kang unan sa gabing maginaw
Iniisip na yakap ka't nilalambing dito sa'king tabi
Palaging nasa isip ko, diretso sa'king puso
Sa utak ko'y tumatakbo, hindi ka ba napagod
Para kang tala sa gabing mapanglaw
Ikaw ang nagbibigay liwanag sa puso kong madilim
Palaging nasa isip ko, diretso sa'king puso
Sa utak ko'y tumatakbo, hindi ka ba napagod
Kay sarap isiping kapiling kita
Kahit na sa panaginip lang aking sinta
Ikaw ang hiwagang dumating lang bigla
'Di naman umaasang mapapansin mo agad
Isang ngiti mo lang ang araw ko'y tumitingkad
Ikaw ang hiwagang patuloy kong hangad
Para kang rosas sa hardin ng lungkot
Ikaw ang biyaya na kung pwede'y aking ipagdadamot
Ikaw ang nais makamtan ng pusong nangangarap
Sagot sa'king katanungan, sa wakas aking nahanap
Kay sarap isiping kapiling kita
Kahit na sa panaginip lang aking sinta
Ikaw ang hiwagang dumating lang bigla
'Di naman umaasang mapapansin mo agad
Isang ngiti mo lang ang araw ko'y tumitingkad
Ikaw ang hiwagang patuloy kong hangad
Kay sarap isiping kapiling kita
Kahit na sa panaginip lang aking sinta
Ikaw ang hiwagang dumating lang bigla, aaaah woaah
('Di naman umaasang mapapansin mo agad
Isang ngiti mo lang ang araw ko'y tumitingkad
Ikaw ang hiwagang patuloy kong hangad)