![Don't Know Why](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/06/03/75f087380c3745358413c99cce38d330_464_464.jpg)
Don't Know Why Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Why I don't know why
I can't get you off my mind
And I feel so fine
I want you and I don't know why
Grabe talaga sadyang ika'y kakaiba
Hindi ko naiwasan na ikaw ay mapuna
Subukan mang ibaling ang tingin ko sa iba
Ikaw pa din ang hanap ng aking mga mata
Nagsimula sa gala natin ng mga barkada
Minu-minuto tayong dalawa ang magkasama
Na para bang ito'y sinasadya na ng tadhana
Nangyare ang lahat ng di natin inaakala
Walang humpay na tawanan, kwentuhan, at kulitan
Sa dalampasigan inuman hanggang magkalasingan
At sa dala ng kasiyahan di na natin namalayan
Na tayong dalawa ay aabot sa lambingan
Kamay mo sa aking mga kamay
Naglalakad tayong magka-akbay
Habang binabaybay ang dagat gawin na ang nararapat
Hanggang labi natin ay maglapat
Why I don't know why
I can't get you off my mind
And I feel so fine
I want you and I don't know why
At diyan nagumpisa ang istorya natin dalawa
Ang bawat araw ay tila palaging masaya
Di bale nang mapuyat basta makasama ka
At pag ikaw ang nag-yaya tablado ang iba
Ilang buwan ang nakalipas magmula noon
Hindi pa din malinaw sa'kin hanggang sa ngayon
Kung ano nga bang mayron sa'tin bakit ba ganon
Hindi ko makuhang sabihin ang tungkol doon
Hindi na bale sasakay nalang sa bawat trip
At susulitin ang bawat segundo na kasama ka
Walang makakapigil satin kahit sino pa
Makikiusap lang na sana wag ka nang mawawala
Tuwing hawak mo ang aking kamay
Ang isip ko'y tila naglalakbay
Sa madilim na kalawakan halika't ako'y
Samahan wag nang pahabain ang usapan
Why I don't know why
I can't get you off my mind
And I feel so fine
I want you and I don't know why