![Minsan](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/05/04/a12647eda41148888c87bf117b3850be_464_464.jpg)
Minsan Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Ganyan lang talaga kung minsan
Problema 'di maiiwasan oh oh oh
Habaan mo ang iyong pasensya
Sa'yong sarili mag tiwala ka oh oh oh
Sa hinaba-haba ng panahon
Mula nung umpisa malayo na ang 'yong tinalon
Pero bakit ganon minsan dumarating
Sa punto na parang nawawala yung dating ikaw
At tila ba ihip ng hangin ay nag-iiba
At pakiramdam mo palagi kang nag-iisa
Sa laban mong walang ibang may alam walang may paki-alam
Mag papanggap ka nalang na ayos
At dadalhin mo 'yan hanggang sarili ay mapagod
At hahayaan na na tangayin nalang ng agos
Ang mga plano, diskarte na ginuhit mo
Unti-unti mabubura na diyan sa isip mo
O ano sige pagod ka naba?
Turuan mo kasi sarili mo na mag pahinga
Hindi masama tumigil muna pang samantala
H'wag mo sanang kalimutan bakit nag simula
Ganyan lang talaga kung minsan
Problema 'di maiiwasan oh oh oh
Habaan mo ang iyong pasensya
Sa'yong sarili mag tiwala ka oh oh oh
Hindi palaging patas ang laro sa buhay natin
Kung gusto mong manalo bawat tira ay aralin
Hanapin, piliin ang landas na tatahakin
Asahan mong may kalakip 'yan na mga balakid
Walang nakakaalam sa sa mangyayare bukas
Mga prediksyon mo hindi lahat lusot sa butas
At kahit gano ka planado ang bawat galaw
Ay sa isang iglap lahat ng 'yan pwedeng bumitaw
Kaya naman piliin mo kung saan ka sasaya
H'wag nang isipin mga sinasabi ng iba
Kung ang resulta ay hindi umayon sa iyo
H'wag kang titigil doblehin mo pa ang kayod mo
Siguro nga'y pagod ka lang talaga
Kung iniisip mo na para bang walang napala sa'yong ginawa
Hayaan mong sabihin ko sa'yo ito
Makakamit mo din lahat ng ninanais mo
Ganyan lang talaga kung minsan
Problema 'di maiiwasan oh oh oh
Habaan mo ang iyong pasensya
Sa'yong sarili mag tiwala ka oh oh oh
Ganyan lang talaga kung minsan
Problema 'di maiiwasan oh oh oh
Habaan mo ang iyong pasensya
Sa'yong sarili mag tiwala ka oh oh oh