
Radikal Magmahal Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2022
Lyrics
Lahat tayo'y may kalbaryo
Bawat tao'y may mukhang tinatago
At sa bawat pagtatalo
May espasyo para sa
Pag-uunawa mo
Buksan ang iyong isipan
'Di pantay-pantay ating kakayahan
Dagat sa puso'y laliman
Tulungan ang kapwang lumangoy
Sa karagatan ng buhay
Nang 'di malunod sa
Kahirapan, kalungkutan
At kahit may away
Mas radikal magmahal
Mas radikal magmahal
Kahit minsan mahirap
Ilagay ang sarili
Sa kinalalagyan ng iba
Kahit na walang kapalit
Ang kabutihang loob
Na alay sa 'yong kapwa
Alam ko
Radikal magmahal
Magkakaiba man tayo
Ng pinanggalingan at ng paniniwala
Magkakaiba man tayo
Ng opinyon ng perspektibo
Ito ang totoo
Radikal magmahal
Mas radikal magmahal
Magmahal
Magmahal
Magmahal