
Pag-Usad Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Natapos din, ngunit hindi nakamit
Ang ninanais, ang pinaghirapan mo
Hindi lahat ng layunin ay makakamtan
'Di ibig sabihin
Ito'y walang kahulugan
Maglakad at maglakbay
Ikumpas ang 'yong kamay
Sa pintig ng 'yong puso
Kahit na
Tila naisantabi ang layunin
Nakapikit ang katabi
At nasisilaw pa
Sa liwanag ng pag-asa
Ayos lang
Hawakan ang kanyang kamay
At magpatuloy sa pag-usad
Magpatuloy lang
At sa 'yong paglakbay, ang daan ma'y mabato
O baka maputik ang tatahakan mo
Natural lang 'yan
May daan ding aspalto
Huwag mag-alala, kasama mo ako
Maglakad at maglakbay
Ikumpas ang 'yong kamay
Sa pintig ng 'yong puso
Kahit na
Tila naisantabi ang layunin
Nakapikit ang katabi
At nasisilaw pa
Sa liwanag ng pag-asa
Ayos lang
Hawakan ang kanyang kamay
At magpatuloy sa pag-usad
Magpatuloy lang
Magpatuloy lang
Tila naisantabi
Ikaw ang liwanag ng pag-asa
Ayos lang
Hawakan ang kanyang kamay
At magpatuloy sa pag-usad
Magpatuloy lang
Magpatuloy lang
Magpatuloy lang
Magpatuloy ka lang
Magpatuloy lang