Usad Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Ano ba ang dapat na gawin?
Ano ba ang dapat na maramdaman?
Ano ba ang mali kong nagawa?
Bakit bigla nang nawala?
Nagbago ang simoy ng hangin
Oh bakit hindi ko napansin
Tinangay... na pala ang damdamin
Na dati ay aking inangkin
Kaliwa ba o kanan?
Hinto o diretso lang?
Sa aking pag-lakad
Hindi alam ang pupuntahan
Ngunit tuloy ang usad
Malubak man ang daan
Usad, oh usad
Umusad, umusad
Unti-unting nabalot ng kalungkutan
Kinain ng dilim ang liwanag
Naghahanap ng kasagutan
Sa mala-balong katanungan
Di ko na maabot sa kalaliman
kalaliman...
Sa aking pag-lakad
Hindi alam ang pupuntahan
Ngunit tuloy ang usad
Malubak man ang daan
'Di ko namalayan, ang aking mga paa
Saan ako dinala? Sa lugar na payapa
Sa aking pag-usad
Sa kalye ng kawalan
Sa dulo'y may bagong liwanag
Na aking nadatnan