Kinaiya Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2021
Lyrics
Ang isang isdang lumalangoy ng malaya
Iba't ibang direksyon ang laging sinasagupa
Bawat destinasyon, Oh bawat pasinaya
Ay bumubuo ng isang kinaiya
Sa ilog na ating tinatahak
Ang agos ay lumalakas at humihina
Iba't ibang bangka ang ating sinasakyan
Kaya't iba't iba rin and karanasan
Sa alon ng iba'y 'wag patangay
May sarili tayong lakbay
'Wag mong iwasan ang mga dilim
At lulutang din sa iyong lalim
Sige pa, langoy ka lang
Sige pa, tuloy mo lang
Langoy ka lang, tuloy mo lang
Ang isang isdang lumalangoy ng malaya
Sa alon ng iba'y 'wag patangay
May sarili tayong lakbay
'Wag mong iwasan ang mga dilim
At lulutang din sa iyong lalim
Ohh
Langoy, tuloy