Akala ft. Beedz & J-Kid Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2017
Lyrics
Ito'y butas ng karayom, paano papasukin
Kung pinaplano mo pa lang ginagawa ka ng hamakin
Kanilang sinasabing pangarap ko'y malabo
Ang pagiging artisano'y tila pagpapatalo
Magseseryoso ka't gagaguhin ka nila
Mabababaw ang siyang tinitingala
Palibasa lahat halos baon sa problema
Kaya imbis mag-isip, pinipiling magsaya
'Di ba't ang artist may puso ba't 'di niyo patunayan
Paano niyo tinatawanan ang aking pinagpuyatan
Yan ang hirap sa mundong panay pasikat
Panay sikat na lang daw ang nararapat
Mayayabang, sila na ang pinakamahusay
Lalaitin ang iba na parang ito ay hanapbuhay
Pinahamak na ko ilang ulit pero ito'y pinanghawakan ko
Kung kilala mo kong bano? Hindi biro pinagdaanan ko
Salam! Salamat! Salam! Ako nga pala si Beedz
Sa mga hindi pa nakakaalam
Babala sa mga kids, tawag sa marijuana weeds
Ginagawa niyong pambababoy sa kuluturang 'to haram
Sumasamba sa pyramid, just call me Uncle Sam
Freedom daw pag sa kapwa wala kang pakialam
Damn! Mga puppet na ang bungo dayami ang laman
Mayayamang takot na ang pobre dumami ang alam
Damn! Mga bibig nakakandado
Takbo ng pag-iisip atrasado
Bintana ng kaluluwa sarado
Gusto mo ng respeto, gumawa ng musika na totoo
At sigurado sa sarili mo na lang ang meron ka
Binenta mo pa, wala kang pinagkaiba sa mga puta
Na dugo, pawis, laman ang puhunan at pagpapanggap
Para sa pangarap maging pop, oh fuck!
Akala ng iba porket ang dila ay malaya
Tumugma ng mga letra, bumuo ng mga linya
Maglaro ng abakada, gumamit ng alibata
Ay pwede na silang tawagin na tunay na makata
Nagkakamali ka bata, magkaiba ang tunay
Sa mahusay na makata, madaling maging mahusay
At mag tunog malalim pero ang pagiging tunay
Baka hindi mo kakayanin
Tanong ko lang, kailan mo minahal ang rap? Nung uso na
Nakisabay sa kasikatan parang kurso na
'Di mo gusto pero kunwari na sa puso na
Kilala mo si Ethel Booba? Ikaw yung suso niya
Ang totoong makata pag sumulat ng tula
Tagos sa puso kapag tumama
Kantang galing sa puso, diretso sa puso
At yun ang sinasabing puso sa puso