Dalamhati ft. Wrathsol Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2017
Lyrics
Batang takot sa yamot walang sala
Matandang takot huminahon, trahedya
Sagot ng konsensya, maging mabuti masama
Pag sindi ng kandila, may aninong kasama
Sa mundong may dukha at sagana
Pantay na timbangan, hindi gumagana
Bulok na sistema, salat hinahamak
Nakatutok sa pera, lahat binabalak
Negosyo ang giyera, kitilan ng buhay
Siksikan sa lupa, punuan sa hukay
Inosente ay damay, walang makakaligtas
Peste sa palay, nagtinim hindi nagkakabigas
Marungis na kamay, malinis na salapi
Sa buwis ka patay sa batas ng pagkasakim
Busabos, palamunin, kakapit sa patalim
Ang mundo ay impyerno, ang demonyo ay tayo rin
Sa mundong puno ng galit, nasa ibabaw ang mali
Gulong hindi matigil, walang maligayang sandali
Pulsong nanggigigil, sa isang iglap ika'y sawi
Sa konsensyang pagkitil, ang buhay madali
Sa mundong puno ng galit, nasa ibabaw ang mali
Gulong hindi matigil, walang maligayang sandali
Pulsong nanggigigil, sa isang iglap ika'y sawi
Sa konsensyang pagkitil, ang buhay madali
Kalmot sa utak, nakatatak nakaraan
Sagot sa buhay, panatang walang hanggan
Dasalang paulit-ulit walang laman
Tangan ng mundo'y ang nalagyan
Ng basura, kalat, mga kadugyutan
Panay hulog, samu't saring liham
Mga sikretong lahat walang kahulugan
Puro kwentong imbentong kaululan
Ginagawang diyos nakita nilang ahas
Binihisang kahoy, silang hinihimas
'Di naniniwala sa multo't mga aswang
Pero mga utak sa pari pinakangkang
Katawan nino? Sinubo't pinagpala
Ama naming, ispiritong timawa
Ito'y sagradong saradong paniniwala
Kapayapaan, kamatayan sa hindi maniniwala
Sa mundong puno ng galit, nasa ibabaw ang mali
Gulong hindi matigil, walang maligayang sandali
Pulsong nanggigigil, sa isang iglap ika'y sawi
Sa konsensyang pagkitil, ang buhay madali
Sa mundong puno ng galit, nasa ibabaw ang mali
Gulong hindi matigil, walang maligayang sandali
Pulsong nanggigigil, sa isang iglap ika'y sawi
Sa konsensyang pagkitil, ang buhay madali
Buod sa tisa, kulob sa rima
Mga kaluluwang naselda
Kulong ang diwa, buo ang tinta
Bagkus mapurol sa hiwa
Mga bagsak na pangdamdam sobrang lubog na di'ba
Ako'y bugbog na sa sakit, manhid sa lasang mapait
Kinaasim ng sistema sa isang pagkalabit
Mga emosyong tinangay, bumaligtad sa mabait
Sinangla ko ang sarili at buhay ang kapalit
Tinangka kong tapusin ang pangarap ni inay
Nagkulong sa kwarto at tila nangingisay
Hawak ang isang litrato ng buhay na nagbigay
Iniisip na baka bukas hindi na kaya mag-ingay
Dahil sa hindi magarbo, hindi din 'to pilit
Sadyang gustong mapag-isa sa sobrang pagka-inip
Isang haplos sa gatilyo sabay tutok sa bibig
Isang putok inalay ko kaso hindi niyo nadinig