Lihim Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2021
Lyrics
Sayo'y may pagtingin
Ito ang aking lihim
Kahit ikaw ay
Pagmamay-ari ng iba
Sa tuwing nakikita
Kayong magkasama
Pintig ng puso ko ay
Humihinto at nawawala
Sa kabila ng mga masasayang pagsasama
Namumugtong mga mata sa kanya'y lumuluha
Pinipilit mang aminin
Ngunit di kayang sabihin
Ang aking nararamdaman
Sayo baka lahat masayang
Dahil ang sakit isipin
Na sya pa rin ang yong pipiliin
Kahit na magmukhang tanga
Ako ay aasa, ka-hit walang mapapala
Patalim ay tiniis
Sa mundong puno ng hinagpis
Di pa rin makabitaw
Ang puso kong humihiyaw
Aking tatanggapin
Na ika'y di magiging akin
Kung ito'y panaginip
Ay ayaw ko nang magising
Pinipilit mang aminin
Ngunit di kayang sabihin
Ang aking nararamdaman
Sayo baka lahat masayang
Dahil ang sakit isipin
Na sya pa rin ang yong pipiliin
Kahit na magmukhang tanga
Ako ay aasa, ka-hit walang mapapala
Ako ay aasa, kahit ngayong wala ka na