Martear Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2024
Lyrics
Mundo mo ay gumuho
Noong siya'y biglang sumuko
Hindi alam ang dahilan
Lahat ay ginawa mo
Minahal siya ng buong buo
Sa kanya ay 'di pa rin sapat
'Wag kang papayag na ika'y saktan
Iwanan mo na siya
Sa kaniya ay 'di ka mahalaga
Huwag hayaang magmukhang tanga
Bitawan mo na siya
Nakaraan ay kalimutan mo na
Iyong sarili bigyan ng halaga
Palagi nalang ganyan
Nakikita kitang luhaan
Hindi ka ba niya kayang ipaglaban
Pero ngayon ay oras na
Pawiin ang mga luha
Harapin ang bagong umaga
'Wag kang papayag na ika'y saktan
Iwanan mo na siya
Sa kanya ay 'di ka mahalaga
Huwag hayaang magmukhang tanga
Bitawan mo na siya
Nakaraan ay kalimutan mo na
Iyong sarili bigyan ng halaga
'Wag mangamba kung siya ay mawawala
'Di naman siya sayo nakatadhana
Iwanan mo na siya
Sa kanya ay 'di ka mahalaga
Huwag hayaang magmukhang tanga
Bitawan mo na siya
Nakaraan ay kalimutan mo na
Iyong sarili bigyan ng halaga
Iwanan mo na siya
Iwanan mo na siya
Iwanan mo na siya