Sigarilyo Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2021
Lyrics
Sigarilyo sa bibig aking sisindihan
Baka sakaling ikaw ay malimutan
Ayos ka pa ba? ako okay naman
Kaso biglang naiyak sa daan
Manatili sandali aking pagmamasdan
Ang mga pagkukulang kong
Hindi naman napunan
Binubulong sa hangin
Ang bigat ng aking panalangin
Na babalik ka rin
Pilitin natin maging masaya
Alam kong kakayanin pa
Kakayanin pa
Balkonaheng madumi
Aking sampayan ng mga pag tatalo
At ating sigawan
Tuyong mga damit, aking itutupi
Parang damdaming nahiya't kinubli
Binubulong sa hangin
Ang bigat ng aking panalangin
Na babalik ka rin
Pilitin natin maging masaya
Alam kong kakayanin pa
Kakayanin pa
Hindi ba totoo?
Ang lahat ng aking narinig tungkol saiyo
Bakit nagkaganito?
Akala ko'y may pagasa pa, ubos na tayo
(Upos na tayo)
Binubulong sa hangin
Ang tangi kong panalangin
Na babalik na rin
Ang apoy sa iyong saya
Kahit may kapiling kang iba
Alam kong iingatan ka
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Sigarilyo sa bibig, itatapon lang
Bakas sa pusong di malilimutan