
End Game Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2025
Lyrics
Sa unang pagkikita
Nalunod sa singkit mong mga mata
Ngiting nakakaakit
Puso'y nilipad na lang sa langit
Sobrang nahumaling
Natatakot sa sariling damdamin
Di na mapipigil
Tadhana na lang ang susundin
Ligaya ang nadarama
Sa piling ng isa't isa
Hindi pa man tayo
Ikaw ang itinakda
Huwag nang mag alala
Buong buo tanggap kita
Ipapanalo ko
Basta't sa dulo'y tayo na
Tayong dalawa
Sa dulo'y tayo na
Ang para sa isa't isa
Hindi na namalayan
Iba na ang nararamdaman
Ang sinimulang laro
Biglang naging katotohanan
Tuluyan nang nahulog
Pagsuyo'y unti unting umuusbong
Sa sarili ay tatanggapin
Ikaw na nga ang para sa'kin
Ligaya ang nadarama
Sa piling ng isa't isa
Hindi pa man tayo
Ikaw ang itinakda
Huwag nang mag alala
Buong buo tanggap kita
Ipapanalo ko
Basta't sa dulo'y tayo na
Sa dulo'y tayo na
Sa dulo'y tayo na