![Kape at Krema](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/01/29/170938466a7d459a91fa2181c3b46bd8H3000W3000_464_464.jpg)
Kape at Krema Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2025
Lyrics
Kape at krema kung tayo'y bansagan
Di ko inakalang magkakamabutihan
Laro-laro lang, walang personalan
Ngunit bakit ganun naging totohanan
Hindi naman hiniling
Ngunit kusang dumating
Pag-ibig na to
Aangkinin nang atin
Masaya pag ikaw ang kasama
Mundo ko'y nagniningning t'wing kita'y nakikita, kahit
Di natin hawak ang panahon
Ang mahalaga ay kung anong meron tayo ngayon
Ikaw at ako
Sadyang perpekto
Kape at krema
Malayo pa ang ating lalakbayin
Mahaba pa ang landas na tatahakin
Basta't magkapiling tayong dalawa
Di alintana anuman ang sabihin nila
Huwag mag alala
Di na mag iisa
Walang bibitiw
Atin ang bawat umaga