Alikabok Sa Hangin Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2025
Lyrics
Alam ko na, sawa ka na
Hindi mo lang sinasabi
Wala na ang tamis
Wala na ang ngiti
Na dati sa akin lang nakalaan
Di man lang naramdaman
Bigla na lamang nawala
Ika'y nagbago, hindi ka na kuntento
Di mo na kinakausap
Iba na rin ang laging hanap-hanap
Nagtatanong, saan ba nagkulang?
Bakit di man lamang namalayang
Magbabago, parang gago
Ngayon ay di ko na alam ang gagawin
Kahit na andito ka ay di mo na ako pinapansin
At kahit pa ako ay magmukhang tanga
Balewala, sinta, pagkat minamahal pa rin kita
Alam ko na, sawa ka na
Hindi mo lang inaamin
May mga bagay lang kasing
Hindi na pwedeng pilitin
Wala na ang tamis
Wala na ang ngiti
Na dati sa akin lang nakalaan
Di man lang naramdaman
Bigla na lamang nawala
Ika'y nagbago, hindi ka nakuntento
Di mo na ako kinakausap
Iba na rin ang laging hanap-hanap
Nagtatanong, saan ba nagkulang?
Bakit di man lamang namalayang
Wala ka na, parang tanga
Di na tayo tulad ng dati
Away-bati na lang parati
Di na tayo tulad ng dati
Kaybilis ng pangyayari
Parang wala na, ikaw ay sawa na
Nawalan na ng gana, di mo na kaya
Papalayain na ang damdamin
Parang alikabok sa hangin.