
Siete Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2018
Lyrics
Ayoko nang ganito
Malayo sa tabi mo
Nahihirapan ako
Sinta, wag nang magtampo
Malalim na ang gabi
Wala pa rin sa aking tabi
Di mapakali
Pumapatak ang ulan
Asar, ayan na naman
Ayaw nang maramdaman
Pagkat kinakabahan
Makahanap ka ng iba
Pag-ibig ko'y malimutan mo na
Wag naman sana
Pag-ibig mo, sinta
Ang siyang tanging nais na makasama
Puso'y nagsusumigaw
Malapit nang bumitaw
Pag di ka natatanaw
Ako'y palaging uhaw
Sana naman pakinggan
Pagsamo ko ay pagbigyan
Sana naman
Pag-ibig mo, sinta
Ang siyang tanging nais na makasama
Sa bawat oras ay palaging ikaw
Ang siyang tanging nais na makita
Ito'y awiting sinulat
Upang malaman ang nadarama ko
Namiss na miss na kita
Sa piling mo lamang liligaya
Ito'y awiting nagpapaiyak
Sa 'king damdamin pagkat di ko matiyak
Kung ako'y mahal na mahal mo pa ba
Sa piling mo lamang liligaya
Ayoko nang ganito, malayo sa tabi mo
Wohhh woohh whooohh.