
Ikaw at Ako Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2025
Lyrics
Ang pag-ibig di nawawala
Sa mga mata sa bawat salita
Ang pag-ibig di nawawala
Sa mga mata sa bawat salita
Alam mo bang ikaw ang dahilan
Bawat saglit puso'y natutunaw
Mahal kita sa isip ko'y ikaw
Bawat pikit mukha mo ang tanaw
Nasa bawat panaginip ko
Kahit minsan tila labo-labo
Sa tuwing makita ang larawan mo
Panatag na ako
Ang pag-ibig di nawawala
Sa mga mata sa bawat salita
Ang pag-ibig di nawawala
Sa mga mata sa bawat salita
Alam kong di parating masaya
Sa hirap at ginhawa
Ikaw lang ang nais na makasama
Sa tuwing kailangan ki
Nariyan ka di ka nawawala
Di ko kaya ang buhay nang wala ka
Ikaw ang lakas ikaw ang sigla
(Ayaw kong mawalay sayo)
Araw-araw dasal ko'y iisa
Na manatili ka huwag mawawala
Kapiling kita lahat ay ayos na
Dasal ko'y manatili ka
Gagawin ang lahat kahit ano pa
Makapiling ka lamang aking sinta
Umaasang ikaw at ako (Ikaw at ako)
Ang pag-ibig di nawawala
Sa mga mata sa bawat salita
Ang pag-ibig di nawawala
Sa mga mata sa bawat salita
Darating ang araw na di na magkakahiwalay
Sa altar magkasama't magkasabay
Hawak ang kamay may luha sa mata
Nangangakong habangbuhay ikaw at ako na
Isang tahanan na puno ng pag-ibig
Pangarap natin ngayo'y nagkatotoo
Laging magkasama sa bawat sandali
Ikaw ang aking mundo at ako ay saiyo