Atin Ang Pilipinas Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Magiliw na bayan ko
Tahanan ng bayaning matipuno
Kalayaang natatanggap
Mula sa mga ninuno
Sasayangin mo ba ito
Ipagkakaluno sa manlulupig
Pilipino ka rin naman
Ang tahanan mo ay Pilipinas
Pilipino kang likas
Pilit kang binabago
Kultura mo ay nag iiba
At ito'y naglalaho na
Lumingon ka lang
Sa nakaraan
Para lang maalala mo
Alam mo bang
Isa kang Pinoy
Atin ang Pilipinas
Pilipinas
Wala ka bang naririnig
Sa tangis at sigaw ng kapatiran
Bukas ba ang iyong mata
Sa paligid mo, sa nangyayari
Ilaban mo naman ako
Ang sandata mo ay paniniwala
Gamitin mo itong gabay
Tatlong bituin at araw
Ng watawat
Pilipino kang likas
Pilit kang binabago
Kultura mo ay nag iiba
At ito'y naglalaho na
Lumingon ka lang
Sa nakaraan
Para lang maalala mo
Pilipino kang likas
Pilit kang binabago
Kultura mo ay nag iiba
At ito'y naglalaho na
Lumingon ka lang
Sa nakaraan
Para lang maalala mo
Alam mo bang
Isa kang Pinoy
Atin ang Pilipinas
Pilipinas