![Aalis Ka Rin Pala](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/12/07/5d54d69ef12546dc90ff9641dd3c72bf_464_464.jpg)
Aalis Ka Rin Pala Lyrics
- Genre:Country
- Year of Release:2022
Lyrics
Patuloy kong naririnig ang awit mo
Sa alaala mo ang kwento'y patuloy
Bakit ba nagbago na ang dating pagsuyo
At ngayon, aalis ka rin pala
Inisip kong kausapin ka ulit
Sa agam-agam ko ay huwag na lang muna
Hindi mo ako kailangan
Ni kahit makita
Alam ko, aalis ka rin pala
Ikaw ang dahilan kung ba't ako buhay muli
Ilusyon lang lahat ito
Ako ba ang dahilan kung ba't ika'y lumisan na
Kaya kong masaktan ulit
Paulit-ulit, isa pa at muli
Kahit na, aalis ka rin pala
Hanggang ngayon ay nagtatanong
Kung ano ang totoo at sa hindi
Sa mga sinabi noon, na mananatili ka
'Yun pala, aalis ka rin pala
Ikaw ang dahilan kung ba't ako buhay muli
Ilusyon lang lahat ito
Ako ba ang dahilan kung ba't ika'y lumisan na
Kaya kong masaktan ulit
Paulit-ulit, isa pa at muli
Kahit na, aalis ka rin pala
Kung ito ay iyong naririnig,
Ito ang boses ng aking damdamin
Samahan mo ko dito
At ako'y iyong tignan
Kita mo, aalis ka rin pala
Paulit-ulit, isa pa at muli
Kahit na, aalis ka rin pala