Nasaan Ka Na Ngayon Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2024
Lyrics
Di ako mapakali ngayong umaga
Sa pagdilat ikaw laman ng isip ko
Habang namimingwit ng alaala
Bigla kang lumitaw sa panaginip ko
Ang sabi ko "musta"
Kilala mo pa ba ako
Iba na ang istura mo ngayon
Lumalabo sa pagtanda
Tandang tanda ko na, na ang labo mo
Nasan ka na kaya ngayon
Akoy napangiti habang nag mumuni-muni maghapon
May pamilya ka na ba, baka ikay naglaho na
Kanya kanyang istoryat pelikula
Mahilig ka pa bang gumimick
Ang buhay mo kayay tahimik
Nawalan ka na kaya ng hilig
Sa mga kalokohan mo
Saang bansa ka na
Naubusan ka na ba ng pera
Manhid na ba ang puso mo
oh ikay iyakin pa
Naalala ko, nung sabog ang utak mo
Hindi mo magawa ang iyong gusto
Nagpaalam bigla
Bigla ka na lang nawala sa isip ko
Nasan ka na kaya ngayon
Akoy napangiti habang nag mumuni-muni maghapon
May pamilya ka na ba, baka ikay naglaho na
Kanya kanyang istoryat pelikula
Mapanglaw ata ngayong hating gabi
Parang kelan lang tayoy magkatabi
Sana and puso mo ngayon ay mahimbing
At akoy sanay nasaisipan mo rin