Cadena Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2024
Lyrics
Ang bigat ng yong dinadala
Kumikirot ba ang yong mga paa
Bat mong paulit ulit pinipilit buhatin ang langit
Ang dibdib mo bay sumisikip
Di mapakali o makaiglip
Di bale na lang, ang utang moy mababayaran
Sinabi ko sayo, wag kang magulo
Wag kang mainit, wag kang asar talo
Patuloy mo yan, ikaw rin ang maiisahan
Kahit lumapit ka sakin ngayon
Huwag mong asahan akoy magbibigay panahon
Subalit noon ikay parang hayop na nakawala
Ngunit ngayon mayron kang maiksing cadena
Na may bola sa dulo na napakabigat
(ooh yeah di ka binarat)
Ang madalas mo ngayon bangitin
Abilidad kelangan sulitin
Pasensya na lang kung akoy merong ma-aapakan
Ang buhay ay siyang ganito
Walang araw na walang gulo
Lumipas ang oras ang madugas ay laging panalo
Sabi ng ina mo, wag kang maluho
Wag kang makulit, huwag kang tarantado
patuloy mo yan, ikaw rin ang mauunahan
Kahit lumapit ka sakin ngayon
Huwag mong asahan akoy magbibigay panahon
Subalit noon ikay p arang aso na nakawala
Ngunit ngayon mayron kang maiksing cadena
Na may bola sa dulo na napakabigat
(ooh yeah wag kang kukurap)
Sinabi ko sayo, wag kang magulo
Wag kang maingit, wag kang tarantado
Patuloy mo yan, kaw rin ang maiisahan
Kahit lumapit ka sakin ngayon
Huwag mong asahan akoy magbibigay panahon
Subalit noon ikay parang hayop na nakawala
Ngunit ngayon mayron kang maiksing cadena
Na may bola sa dulo na napakabigat