Pag-Asa Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Hindi ako nauubusan ng pag-asa,
Dahil alam 'ko na meron paring tyansa,
Hangga't meron sakin na naniniwala,
Di ako titigil hanggang sa makita.
Ang pangarap 'ko na tila pambihira,
Nagsisikap para ito ay makuha,
Salamat sa mga tunay, dahil may nagturo sakin bumangon kapag ako ay nanghihina.
Ang dami ng pagsubok na pinag daanan,
Nananatili parin akong lumalaban,
Dahil 'di pwedeng maging ganto nalang,
Ang mga pangarap ko'y pinipilit na kulayan.
At kung sakaling sasabihin 'ko sayo,
Paano 'ko hinaharap mga bawat pagsubok 'ko,
Di 'ko kinakalimutan turo ng magulang 'ko,
Itong ginagamit 'ko para manatiling buo.
Hindi ako nauubusan ng pag-asa,
Dahil alam 'ko na meron paring tyansa,
Hangga't meron sakin na naniniwala,
Hindi titigil hanggang sa yon' ay makuha.
At di 'ko inakalang dito dadalhin ako ng musikang habang buhay kong mamahalin,
Totoo palang pag may itinanim darating ang araw tiba-tiba mong aanihin.
Oo 'di ako malalim gumawa, pero kayang tumugma ng 'di nyo pa nagagawa
Totoo pala na merong himala, sa pag abot mo ng pangarap ay samahan ng gawa.
Hindi na 'ko mahina, kahit na lumuha
Gagalaw ako ng kusa, ang isasama 'ko lang sa taas ay kasama nong una.
Alam kong bawat isa satin ay may kanya kanyang pagsubok problema'y dala-dala,
Hindi man to' ang tamang panahon ngayon,
Pero darating ang araw na makikilala ka.
Hindi ako nauubusan ng pag-asa,
Dahil alam 'ko na meron paring tyansa,
Hangga't meron sakin na naniniwala,
Di ako titigil hanggang sa makita.
Ang pangarap 'ko na tila pambihira,
Nagsisikap para ito ay makuha,
Salamat sa mga tunay, dahil may nagturo sakin bumangon kapag ako ay nanghihina.