
Pagbigyan Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2023
Lyrics
Alam kong malabo mo akong matipuhan
Dahil di'kasi ako ang pangarap ng karamihan
Pero sana naman ako ay iyong pagbigyan
Ng tyansa na ako'y yung magustuhan
Sasabihin kona to' ngayon
Ako'y simple lang na tao simula pa noon
Mas mabuti na alam mo yoon
Upang di'kana umasang may mas hihigit pa doon
Ang dami ng magagandang tao sa paligid
Habang ako'y nagmu-mokmok lamang sa gilid
Hindi ako 'yong kanyang tipo
Hindi ako 'yong taong kakahuli ng mga ngiti mo
Kaya sana'y mapansin mo
Wala akong ibang hangarin ito lang munting hiling ko
Ang mahawakan ko ang iyong kamay
Kahit alam ko na hindi tayo bagay
Kaya sana nama'y pwede kang makasabay
At sasabay lang hanggang sa inyong bahay
Alam kong malabo mo akong matipuhan
Dahil di'kasi ako ang pangarap ng karamihan
Pero sana naman ako ay iyong pagbigyan
Ng tyansa na ako'y yung magustuhan
Natatakot na ako na baka mahulog na sayo
Kasi ang alam kolang malabo mo akong masalo
Alam kong sa totoo malabo mo'kong masalo
Pero sa panaginip ko laging ikaw kasama ko
Kaya ayoko ng gumising sa mundong mapaglaro
Sobrang hirap lang tanggapin na'di ako para sayo
Kasi hindi ko kayang ibigay ang lahat ng gusto mo
Pwede bang maghintay matagal na'kong sumasabay
Nagbabakasakali na ako'y mapansin mo naman
Wala akong magagawa 'kundi lang puro salita
Pero sana naman ako'y magkaroon ng tyansa
Kahit alam 'kung hindi ako
Alam kong malabo mo akong matipuhan
Dahil di'kasi ako ang pangarap ng karamihan
Pero sana naman ako ay iyong pagbigyan
Ng tyansa na ako'y yung magustuhan
Alam kong malabo mo akong matipuhan
Dahil di'kasi ako ang pangarap ng karamihan
Pero sana naman ako ay iyong pagbigyan
Ng tyansa na ako'y yung magustuhan