Huling Ulan Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2024
Lyrics
Kasabay ng pagpatak ng buhos ng ulan
Ang pagpatak ng luha sa mata
At iyong makikita sa kanyang mukha
Ang isang damdaming may dinadala
Minamahal ka pa rin
Hawak hawak pa rin ang pangako
Na habambuhay kayo'y magmamahalan
At magsasama magpakailanman
Alam mo bang lagi ka niyang iniisip?
Kahit paulit ulit 'di naiinip
Mula umaga pagsikat ng araw
Hanggang gabi pag siya ay matulog
Iniisip ka
Magmula ng siya ay iyong iwanan
'Di na nakitang siya ay ngumiti
Mga hindi malimot ninyong ala-ala
Kakambal ng bawat patak ng luha
Minamahal ka pa rin
Damdamin niya sayo'y nananatili
Nakatali pa rin sa iyong pangakong
Kailanma'y walang iwanan
Alam mo bang lagi ka niyang iniisip?
Kahit paulit ulit 'di naiinip
Mula umaga pagsikat ng araw
Hanggang gabi pag siya ay matulog
Hinahanap ka
Alam mo bang lagi ka niyang hinahanap?
At panay pangalan mong kanyang binabanggit
Oh alam mo bang lagi ka niyang iniisip?
Kahit wala na, 'hit wala nang pag-asa
Na muli ka, na muli kang makasama
Pagkat tapos na, 'kat tapos na ang istorya
Ninyong dalawa'y
Iniisip ka