
Heartquake Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Hay, ayan na naman!
Umiibig na muli ako
Pero bakit ba ganyan?
Umiibig na muli sa'yo
Aking naaalala ang unang pagkikita
Doon sa ating eskwela, ito ay naganap
Paglapat ng paningin sa iyong mukha
Tamis ng iyong ngiti sa akin ang bumungad
At ayun na nga
Ako sa'yo'y nahulog
Napana ni Kupido
Tinamaan ako sa'yo
O, anong saya nung naging kaibigan kita
Ngunit sa puso ko lihim kang sinisinta
Pero isang araw nagkabistuhan
At ako ay nadulas sa aking nararamdaman
At ako'y napaamin ng wala sa hulog...
At mula noon, ako'y iyong iniwasan
Hanggang grumaduate tayo... ako'y nilalayuan
Huhu huhu hu
Huhu huhu huhu
Oh, ilang taon na wala sa'yong balita
Pero isang araw muli kitang natanaw
At paglapat ng paningin sa iyong mukha
Tamis ng iyong ngiti sa akin ang bumungad
At ayun na nga
Muli akong nahulog
Lintik na Kupido
Tinamaan muli sa'yo
Hay, ayan na naman!
Ayan na nama-ha-han!
O, bakit ba ganyan?
Nahuhulog na muli sa'yo
Hay, ayan na naman! (Ayan na naman)
Hay, ayan na naman! (Ayan na naman)
Hay, ayan na naman! (Ayan na nama-ha-han)
Hay, ayan na naman!
Nahuhulog na muli ako
Pero bakit ba ganyan?
Nahuhulog na muli sa'yo
Nahuhulog na muli ako...
Nahuhulog na muli sa'yo...