![Cavite Way ft. Waaj777, Chyut & Mhot](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/12/26/f2f2450b09ed4b8182b059df9d7fd3e8_464_464.jpg)
Cavite Way ft. Waaj777, Chyut & Mhot Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Ang balita'y may katotohanan
Ito lamang ang bayang susubukan ka
Tatatak sayo puso ng bayan
Matapos yan, pangala'y gusto mong dala
And thats the
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Hindi ako galet, sadyang walang menor dito
Ang boses at maski minor dito ay eksplosibo
Mannerism ay eksklusibo, mapa-boses,
Mapa-galawan, mapa ambag sa mapa: solido
Hindi katalinuhan, pero tao'y wais
Tipong kulang sa kusa subalit effort walang labis
Merong baong malice ang intention saka nais
Inborn na ang bangis pag taga cero cuatro seis
Ang gang dito, sarili lang, ang chicks dito ay
Nananaksak, sa sobrang gigil sa pag ibig lang
Ang dayo ay nai-ilang, pero pag dumayo
Taas ng expectation kapag taga Cavite yan
Angas namin dito, hindi 'stilo nagdala
Pasipol-sipol, pero kilos, nang re-realtalk talaga
Pasikat pa lang ang araw, agad kill na, san ka pa?
Pero unang unang promotor ng chill sa pagbaba
Ang balita'y may katotohanan
Ito lamang ang bayang susubukan ka
Tatatak sayo puso ng bayan
Matapos yan, pangala'y gusto mong dala
And thats the
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Basta taga Cavite, matic yan maangas ang dating
Alam na walang bitin, kahit saan makarating
Solidong mga ganap, subukan mo na damahin
Dumayo sa aming bayan, baka iyong mahalin
Galaw at stilo, may hawig na talaga
Kaso para lang galit kapag kami nagsalita
Kahit saan dumayo, hindi ka ipapahiya
Mapapasabi na lang ng "Baka taga Cavite yan"
Bawal dito ang hassle, dapat dito ay chill
Hindi ka pwedeng mang-gangster, kung ayaw mo ma-kill
Tao dito sa amin, kakaiba ang skill
Basta Caviteño, mga obra nyan ay ill
Pagtungtong sa entablado, matic dyan ang palakpak
Kampyonatong pagkatao, bitaw mala-Manny Pac
Wag na magtaka kung bakit 046 ang tatak
Hindi swag ang nagdala but that's the way of Etivac
Ang balita'y may katotohanan
Ito lamang ang bayang susubukan ka
Tatatak sayo puso ng bayan
Matapos yan, pangala'y gusto mong dala
And thats the
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Itong istorya kung san ako lumaki
Sa makasaysayang bayan ng Etivac
Dambabalasek eh, lalo pag bumakte
Lugar kung san "Pis" ang tawagan pero delikads
Dito saming bayan na sumiklab ang tapang
Dami nang pambato, umukit ng pangalan
Parating masigabo, sa musika pa nga lang
Talagang aginaldo sa sulit na bigayan
Sino mang mula sa lalawigan ng aking baryo
Ako'y bilib, mapa-wagi man yan o dehado
Maliban dun sa kawatan na nasa senado
Syang may putik na sa pangalan parang si Nardo
Makikita mong imaheng tipikal at simple
Tinatagong tikas nyan ay triple
Tipong katapangan ay armas na de-kalibre
Simbolo ay Armalite na may tatak Cavite
Ang balita'y may katotohanan
Ito lamang ang bayang susubukan ka
Tatatak sayo puso ng bayan
Matapos yan, pangala'y gusto mong dala
And thats the
Ang balita'y may katotohanan
Ito lamang ang bayang susubukan ka
Tatatak sayo puso ng bayan
Matapos yan, pangala'y gusto mong dala
And thats the
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way
Thats the Cavite way