![Gloria](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/07/18/e4f8e8d95ad849ed8fa10604ac7e55d2_464_464.jpg)
Gloria Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
This the shit you didn't want me on
Anak ng leon, buhay mala Hagedorn
Sinasagupa batalyon, ang impluwensya
Ng marlboro black, ako ang Champion
Ang word smith, dekadang hinasa, not worthless
Went past hurdles, minana ng tama ang purpose
Kaso ngayon wina-wack-an talaga on purpose
Kaya fuck everyone, parang Anne Curtis
Santo, barbender, ang avatar, rap bartender
Hard na hard ang kada bar
Im in the zone, parang CaLaBaR, Skwaterhawz member
Na ang nakuhang award, puro battle scars
Paminsan kelangan ng praktisan, eh alam ko lang
MVP performance kahit na off season
Di ko ine-expose idol mo, yan ay side mission
At sa goat talks, may sarili na 'kong partition
Glory hallelujah
Ikaw si Ippo, 'di ako naman si Takemura
De-dempsey-dempsey roll, mukhang tanga lang ang de puta
Subukan mong i-peek-a-boo style ang aking boga
Mala King Koopa, maraming Goomba, ugali luma?
Kakahol-kahol pa itong mga saling pusa
Di ko pinapansin pag panget tugma
Lugi negosyo, di bumenta yung maraming mura
Mala King Koopa, maraming Goomba, ugali luma?
Kakahol-kahol pa itong mga saling pusa
Diniss mo ko gamit taeng pluma
Di ka galit sa akin, pucha, pagkakataon lang magka-views ka
Wala nang pera pinipilit pa mag hypebeast
Kilala ka na sa Divisoria ng mga five-six
11/11 sale, gusto pa five gives
Tapos kung mag rap pa, parang title sa Pinayflix
Ginataang petchay ang alay ni Menggay
Hindi rin cute na magfeeling beast pag may mamaw
Compare mo side by side, parang nakaluhod sa
Kiddie pool, cringe pag nagmamalalim ang mababaw
You suck, na parang vacuum, FB ang labasan ng tantrums
At kababuyan: sSamgyup
Ako, sunog kilay, apoy linya: arson
Minekaniko makina ni Monica sa garage room
Glory hallelujah
God? ni di nyo kaya na maging santo muna
Pakiusap, kung wack ang obra ay magsikusa
Magkaiba ang maniobra sa pagmanipula
Dalangin ko na, maatim nyo ang, pangarap nyo sa
Pagra-rap without rapping, layuan ang kultura
Panget ako ka-beef, dyan ka na lang sa Tapsilogan
Sa bibig nyo, saging ko lang, at baka magka-kingkongan
Sino ba si Santo? pano de-describe?
Parang kinamay o parang nilagay
Ang serving spoon uli sa pinggan na may laway
Panis ka, sulatan ay dalawang dekada na na wild
Nag-combine mama sa laro at batang pasaway
handang mamatay pero gang ay ride or die
Ang bilog ay mala-Hydra sa daming galamay
Dadalhin tong mga chicken dyan sa otherside
Parang nasa slide si Tiny Montana, at ang
Humarang, matangay, kaya ko snipe-in ang ang langaw
gamit ang side mirror, try me, it doesnt matter
Where you from, homie, kung ang rap mo bai na bai
Di na, di na, di na, di na pwedeng huminto
Lalo't kita nilang ginalingan letrang pulido
Di mapinta react nilang bida-bida, skills na imba
Sinapian nina Krs at Big-L to
May bagong sounds ka but sounds boring
Tinulugan nyo ako with mouths open then you'll die snoring
Stop clout whoring warm up pa lang to
Pero parang may nagdunk na sa round robin