![Laya](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/11/05/7c9ada47a3f74c778047e4326cd97f86_464_464.jpg)
Laya Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2023
Lyrics
Ibaling mo sa akin ang iyong mga mata
At akin nang pupunasan ang iyong luha
At tayo ay magpapakasaya
At ikaw ay lalaya di ito ang 'yong tadhana
Prinsesa ka sa aking paningin
Ikaw ang laman ng aking panalanagin
At kahit pa alam ko ang iyong lihim
Ibat-iba ang 'yong nakakapiling
Tumigil ka
Huwag kang magpadala
Katawan mo lang ang tanging sinasamba nila
Sumama ka, tayo ay lalayo
Aalis tayo sa mundong mapaglaro
Huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Mahal kita kahit ano pa ang 'yong nagawa
Ayoko nang muling gamit-gamitin ka nila
Pangako kong tunay aking ibibigay
Hindi ka ba nagsasawang gabi-gabi kang naiisahan
Mukhang di na tama yan
Tumigil ka
Huwag kang magpadala
Katawan mo lang ang tanging sinasamba nila
Sumama ka, tayo ay lalayo
Aalis tayo sa mundong mapaglaro
Huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Mahal kita kahit ano pa ang 'yong nagawa
Tumigil ka
Huwag kang magpadala
Katawan mo lang ang tanging sinasamba nila
Sumama ka, tayo ay lalayo
Aalis tayo sa mundong mapaglaro
Huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Mahal kita kahit ano pa ang 'yong nagawa
Woah
Kahit ano pa ang 'yong nagawa
Woah
Woah