![Kalsada](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/10/19/0471f7e2c774403daad0202daa6c3298_464_464.jpg)
Kalsada Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Hindi ba't ikaw ang nagtakda
Na di na tayo mawawala
May patutunguhan ba'ng ating landas
Kung dito na tayo magwawakas
Daang tinatahak nating dalawa
Malabo na nating makabisa
Wala na akong magagawa
Kung hanggang dito nalang talaga
Nasaan na
Ang pag-sinta
Nasaan na
Nakuha na ba ng iba
S'an nga ba papunta
Binabaybay na kalsada
Malayo pa ang tatahakin nating dalawa
Sa paglipas ng panahon
Tila ba ako'y nasasanay na
Ang iyong kamay
Ay dahan dahan nang dumudulas sa'king palad
Kumapit ka, huwag bumitiw
Sumuko ay mali giliw
Ngunit naganap
Mga pangarap
Nawala nang hinding hindi ko
Matatanggap
Nasaan na
Ang pag-sinta
Nasaan na
Nakuha na ng iba
S'an nga ba papunta
Binabaybay na kalsada
Malayo pa ang tatahakin nating dalawa
Wala pa sa gitna
Bakit pagod ka na
Kasama pa ba kita o ako'y nag-iisa na
Nasaan na
Ang pag-sinta
Nasaan na
Nakuha ba ng iba
Nasaan na
Ang pag-sinta
Nasaan na
Nakuha na ng iba
S'an nga ba papunta
Binabaybay na kalsada
Malayo pa ang tatahakin nating dalawa
Wala pa sa gitna
Bakit pagod ka na
Kasama pa ba kita o ako'y nag-iisa na