LUHA ft. Lil X & DK Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2023
Lyrics
Nung nahulog naman ako 'di ako nalula
Simula nung nawala ka sa'kin mas dumami pumatak na luha
Kung bumalik ka sa'kin parang nawala ng kaluluwa
Halata na sa'kin kita mga hula
Panaginip lumala simula nung nawala ka
(Halata na sa'kin kita mga hula)
(Panaginip lumala simula nung nawala ka)
Hindi ko padin malimutan kung gaano ka kahalaga sa'kin
Marami tayong naranasan
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit wala kang pakialam sa'kin
Nagpapausok magdamag, yan ang paraan ko para malimutan ka
Bakit ako ay palagi nasasaktan?
(Sawa na ako sa iyong mga kalokohan)
Sumakit ang puso ko nung nalaman ko na sumuko ka na
(Sa relasyon nato)
Nasa isip ko pa rin ang larawan mo
Bakit iniwan mo ako?
Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin
Baby, kahit anong mangyari sa atin
Dinurog mo yung puso ko
Naging buhangin
Nakatitig na sa ulap, nakikita ang mukha mo
Napaka ganda ng 'yong pisngi, pwede hawakan ko?
Ang sarap ng pakiramdam
Lalo nga kapag tayo nagkatitigan
Susundan na lang kita hanggang doon sa may malayo
At minamahal kita kahit wala na tayong dalawa
Puntahan na kita, wag kang mag-alala
Palagi iniisip yung ating pagkikita
'Di mo kailangan itago, pwede mo naman sabihin sa akin
Mga bagay na tumatakbo sa isip mo
Pwede mo lang naman yan palayain
Pwede mong sabihin kahit anong gusto mo
Porke't alam mo na ako'y sayo at ikaw ay akin
Kahit binabalewala mo lang ako
May pagmamahalan pa rin sa pagitan natin
'Kala ko ba hanggang dulo na tayo?
Pero sa huli, sasaktan mo rin pala 'ko
Ang sakit, pinalit
Parang ako pa yung masama
Sinasakal mo na 'ko
Buti may sinandalan pa 'ko
Yung amats ng mata na mapungay
Ito na 'ata ang dahilan para kalimutan ka
(Kalimutan ka)
Iba ka sa kanila
Ba't nagtataka ka pa?
'Di mawawala mga pangarap ko na kasama ka
(Yeah yeah)
Lumapit ka sa akin
Kapag nagbago ka na
Sayang talaga na 'di na tayo magkatugma
(Oh)
Sapat ba yung binigay ko sayo?
Kase mukhang nagkukulang ka
Sana hindi na kita maalala
Kase ayoko na masaktan
Nung nahulog naman ako 'di ako nalula
Simula nung nawala ka sa'kin mas dumami pumatak na luha
Kung bumalik ka sa'kin parang nawala ng kaluluwa
Halata na sa'kin kita mga hula
Panaginip lumala simula nung nawala ka
(Halata na sa'kin kita mga hula)
(Panaginip lumala simula nung nawala ka)
Hindi ko padin malimutan kung gaano ka kahalaga sa'kin
Marami tayong naranasan
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit wala kang pakialam sa'kin
Nagpapausok magdamag, yan ang paraan ko para malimutan ka
Bakit ako ay palagi nasasaktan?
(Sawa na ako sa iyong mga kalokohan)