![REBOUND ft. Lil X](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/12/27/45cbc54b5f7343938726ef44febf450e_464_464.jpg)
REBOUND ft. Lil X Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2023
Lyrics
Nag-iisa nalang sa kwarto
Hinihintay pa kita
Kahit ikaw ang inaaway ko
Namimiss pa rin kita
Kahalikan, kalambingan mo
Umaabot sa'king leeg
'Wag ka rin magsinungaling
Ikaw ang gusto ko makapiling
Aminin mo na gusto mo 'to
'Di kailangan magseryoso
(Magseryoso)
Tama ang nadarama kahit mali
'Di makapagsalita, nakatitig lang sa labi
Baby, 'wag mo akong iwasan
Lalo na kapag sa'kin ikaw ay nasasabik
Hindi naman sa ayoko na
'Di naman ako tatanggi sa iyong kalandian, kalambingan
Inaamin ko 'di ko maiwasan
Pero 'di mo 'ko masisisi
'Pag hindi ikaw ang pinipili ko
Pero ikaw pa rin ang iniisip ko
Kahit ako pa rin ang niloloko mo
Kaya 'wag mo akong sisihin
'Pag hindi ikaw ang pipiliin
Syempre hindi kita pipilitin kung ayaw mo na
Kahit saan mo gustong pumunta
Palagi sinusundan kita
Puntahan mo ako 'pag gusto mo ng tama
Alam mo naman hindi masama, oh yeah
Kada gabi na wala ka dito
Sabik sayo, ikaw ang paborito ko
Dahil sayo naging matalino ako
Never ever magsasawa ako sayo
Parating na ang gabi
Buti nalang ikaw ang katabi ko
Tutuparin ang pangako
Sabay susuyuin mo pa rin ako
Sinuyo mo 'ko para hindi magtampo
Halik mo sa'kin nagpapagaan ng puso
Mahirap lang sayo 'di ka marunong magseryoso
Mali inaakala mo
Kasi pag-ibig sayo ay laro
Hindi ko kaya 'pag wala ka
Sagipin mo 'ko 'pag nalunod na 'ko sa kalungkutan
Buti sana kung nandito ka pa sa tabi ko
Tanggal yung masama sa dibdib ko
Halika na, yakapin mo nalang ako
Sabay halik sa yung mga leeg
Sikreto nating dalawa parang nakatago sa'ting mga bulsa
Maghalikan na tayo hanggang sa sahig
Masarap damahin kinilig
Ngumiti nung tumingin sa'kin
Buti nakatakpan iyong bibig
Baby, ituloy nalang muna natin baka sa huli magsisisi
Masaya nandito ka sa'kin
Buti nalang ika'y nanatili
Aminin mo na gusto mo 'to
'Di kailangan magseryoso
(Magseryoso)
Tama ang nadarama kahit mali
'Di makapagsalita, nakatitig lang sa labi
Baby, 'wag mo akong iwasan
Lalo na kapag sa'kin ikaw ay nasasabik
Hindi ka na mag-iisa
Baby, halika na
(Halika na)
Tama ang nadarama kahit mali
'Di makapagsalita, nakatitig lang sa labi
Hindi kita iiwasan
Lalo na kapag sayo ako'y palagi nasasabik