Kawalan Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2019
Lyrics
Kaibigan sa'yo na kasalalay ang isang pangitain
Ang isang umagang di mo napansin
Ang kasalanang inukit ng anino sa dilim
Dala ng hangin ang pangarap na kailangang tanggapin
Durog na puso na pilit lumalayo
Sa mismong kadugong bumuhay sa'yo
Nagmulat sa'yo na habang ika'y tumatakbo
Palayo, palayo
Walang ibang bukang bibig
Kalayaan, kalayaan
Hindi mo ba naririnig
Kaibigan...
Naghihintay, naglalakbay
Naghahanap sa'yo
Nag-iisa, nagtatanong
Sana'y matulungan mo
Aking kaaway
Ikaw ba ang dadamay sa aking
Pangungulila sa ilang taong pag-iisa sa dilim
Ang kasalanang sinapit ng lahat ng inaapi
Wala na lunas ang sakit na dulot ng pusong sakim
Walang ibang bukang bibig
Kalayaan, kalayaan
Hindi mo ba naririnig
Kaibigan...
Naghihintay, naglalakbay
Naghahanap sa'yo
Nag-iisa, nagtatanong
Sana'y matulungan mo
Walang ibang bukang bibig
Kalayaan, kalayaan
Hindi mo ba naririnig
Kaibigan, kaibigan...
Naghihintay, naglalakbay
Naghahanap sa'yo
Nag-iisa, nagtatanong
Sana'y matulungan mo
Naghihintay, naglalakbay
Naghahanap sa'yo
Nag-iisa, nagtatanong
Sana'y matulungan mo